Sunday, September 28, 2008

Ang Aking Kamusmusan at Kasalukuyan

Marahil ay tandang tanda nyo pa ang mga nangyari sa inyo noong kayo ay isang musmus pa lamang. At siguro ay napansin nyo na napakalaki ng pagkakaiba nito sa buhay nyo ngayon.....
Ang aking kamusmusan ay isang napakahalagang bahagi ng aking bulay at isa sa bumubuo ng aking pagkatao. Noon ay naranasan kong mabuhay ng simple, yung parang walang problema at walang maraming iniisip. Pag nagutom ay kakain, pag nauhaw ay iinom, pag inaantok ay tutulog, at pag gustong maglaro ay maglalaro. Para bang kay daling mabuhay noon.......

Ngunit ngayon, heto ako marami na ang nagbago di lamang sa pisikal na anyo kundi sa aking pagkatao. Para bang kay dami ko nang napagdaanang problema. Ngayo ay mga responsibilidad at tungkulin na ako na dapat gampanan. Kaylangan ko ang magsikap di lamang para sa aking sarili kundi para sa aking pamilya.....Mas naging bukas ang aking kaisipan kung paano ang mabuhay dito sa mundo.. Oo, masarap ang mabuhay pero hindi madali....Kung hindi ka magsisikap at magtitiyaga walang mangyayari sa buhay mo.....Mas naging aware ako nayon sa mga nangyayari sa aking paligid, di tulad noon na para bang wala akong pakialam sa mundo.....

Minsan nga naiisip ko sana bata na lang ako......Ngunit hindi ko maiikaila ang katotohanang hindi na ako isang musmus pa lamang.., na yon ay isang bahagi na lamang ng aking nakalipas......

At sa ngayon ang kaylangan kong gawin ay harapin at isipin kung ano ang aking magiging kinabukasan....At sana sa paglipas pa ng panahon ay patuloy pa rin akong bigyan ng Diyos ng lakas at tibay ng loob upang harapin ang susunod pang yugto ng aking buhay..............

Sunday, September 21, 2008

.....AKING PAMILYA.....

Aking pamilya ay aking kayamanan,
Isang kayamanang di matatawaran,
Kaya't sila ay aking iniingatan,
At di ipagpapalit kahit saan man

Aking pamilya ay aking kasiyahan,
Na laging nand'yan pag ako'y nalulumbay,
Pinapawi nila aking kalungkutan,
Kaligayahan sa aki'y binibigay.

Ang aking pamilya ay aking sandalan,
Pag may problema silang nilalapitan,
Inilalabas sama ng kalooban,
At ang hatid nito ay kaginhawaan.

Aking pamilya ay lubhang mahalaga,
Di ako mabubuhay ng wala sila,
Kaya't Panginoon maraming salamat,
Sa Inyong napakahalagang biyaya.

......BUHAY NG TAO......

Ang buhay ng tao sadyang mapagbiro,
Mayroong tagumpay at may pagkabigo,
Pero kaylangan nating tanggapin ito,
Dahil ito'y bahagi ng buhay ng tao.

Pero bakit ganito buhay ng tao?
Di pantay pantay katayuan sa mundo,
Mayroong problema at mga pagsubok,
Mayroong kasiyahan ay mayron ding lungkot.

Buhay ng tao parang gulong ng palad,
Ngayo'y sa ilalim, bukas sa ibabaw,
Ngunit pagbabago ay laging tandaan,
Sa buhay natin na walang katiyakan.

Ngunit sa kabila ng mga problema,
Laging isaisip Poong Lumikha,
Na laging gumagabay sa bawat isa,
Upang tayo'y da mawalan ng pagasa.

.......PAGKAKAIBIGAN.....

Bawat isa sa atin ay maroong kaibigan
Na kahit anong oras ay maaaring lapitan
Ngunit hanggang kaylan ba itong pagkakaibigan
Ito ba'y magtatagal o panandalian lamang.

At sa pagkakaibigan tiwala ay kaylangan
Sapagkat ito ay susi upang maging matatag
At pagkainggit ay di dapat pinaiiral
At sa halip bawat isa ay sinusuportahan.

PAG-IBIG

Ang Pag-ibig sadyang may kahiwagaan,
Pagdating nito'y hindi mo malalaman,
Maaaring ngayon, bukas o kaylanman,
Basta't ito ay biglaeng mararamdaman.

Ang pag-ibig ay talagang ganyan lamang
para bang pumasok sa isang labanan,
Mayroong nagwawagi at nay talunan,
Mayroong masaya at may nasaktan.

Ang pag-ibig ay isa ring kasiyahan,
Na minimithi ng kahit sino pa man,
Na handang gumawa kahit kasalanan,
Kahit mali at mayroong masasaktan.

At sa pag-ibig ay laging tatandaan,
Walang pinipili maging sino ka man,
Ikaw ma'y mahirap o kaya'y mayaman,
Ang mahalaga ay pagibig ay tunay.

BADUY?

Mahilig ba kayong gumawa ng tula? Medyo mahilig kase akong gumawa ng tula.....At gusto ko lahat ng tulang magagawa ko ay nasa BLOG ko......Pero nag-aalinlangan akong isulat ang mga yun dito kase parang nababaduyan ako sa mga salitang ginamit ko......Ano bang magagawa ko yun ang lumabas sa utak ko......Pero kahit baduy ang mga tula ko atleast pinaghirapan ko at pinagmamalaki ko ang aking sariling likha.......

LOVE IS BLIND?

Minsan may nagsasabi na LOVE IS BLIND....Bakit nga ba? Bakit nga ba nasasabi ang mga katagang yun? Dahil ba ang isang mayaman ay umibig sa isang mahirap? Dahil ba ang isang maganda at gwapo ay umibig sa isang pangit? Dahil ba ang isang taong may pinagaralan ay umibig sa isang walang pinagaralan? Dahil ba ang isang normal ay umibig sa isang may kapansanan? O dahil ba napakalaki ng agwat ng edad nila? Marahil ay ilan lang yon sa mga sitwasyon kung bakit nasasabi na LOVE IS BLIND........
Pero ako, sa aking sarili mas naniniwala ako na LOVI IS NOT BLIND BUT LOVER HAS AN AN EXTRA EYE WHO SEE THOSE THINGS THAT NO ORDINARY EYE CAN SEE......Mayroon kasing mga tao na kahit nasa sitwasyon tulad ng mga nabanggit ko kanina ay ok lang sa kanila. Hindi nila pinapansin ang sasabihin ng iba basta ang mahalaga ay nagmamahalan sila.....Di naman talaga dapat sabihin na LOVE IS BLIND.......Kung tutuusin mas dapat sabihing bulag ay ang mga taong mapanghusga.....Sila kase yung hindi nakakakita ng mga katangiang nakikita ng isang taong nagmamahal ng tapat. Minamahal at nagmamahal lang sila, may karapatan silang maging maligaya, yung malayo sa mga mapanuring mata ng ibang tao........
Nararapat lang silang bigyan ng chance na patunayan na kaya nila minahal ang isa't-isa ay hindi dahil ng kung ano anong dahilan kundi tunay at tapat ang pagibig na naramdaman nila para sa isa't isa.......
Siguro mayroong sumasangayon at di sumasangayon sa mga sinabi ko.....Sabagay iba't iba naman tayo ng opinyon at paniniwala sa buhay di ba?
Kayo ano ba ang pinaniniwalaan nyo.?

Nakakakilg

Alam ko lahat tayo ay maraming libangan. Ako marami akong ginagawa
bilang pampalipas oras. Pero ang pinaka-gusto ko sa lahat ay ang magbasa ng POCKETBOOK. Alam nyo kung bakit?
Sobrang nakakakilig kase yung mga LOVE STORY na nababasa ko eh.....Kakaiba kase yung way ng pagkakakilala ng mga bida. Kakaiba din yung LOVE STORY nila. Minsan yung mga susunod na magyayari, di mo aasahan na yun pala talaga ang mangyayari...
At tsaka kahit binabasa ko lang yun parang nararamdaman ko rin yung feeling na mga bida. Parang nai-imagine kpo rin kung ano yung mga nangyayari sa kwento. Minsan nga, lalo na pag nagiisa ako naiisip ko para akong luka.....
Basta kinikilig ako pag nagbabasa na POCKETBOOK.....Kayo ano ba ang paborito nyong libangan? Mahilig din ba kayong magbasa ng POCKETBOOK? Kung hindi i-try nyo at siguradong kikiligin din kayo........

First Time


Alam nyo ba first time kong gumawa ng BLOG. Exciting pala 'to.
Siguro di naman ako mahihirapan kase medyo mahilig din akong magsulat.
Pero di naman ako kagalingan sa pagde-design ng BLOG upang maging maganda
'to at maraming mahikayat na magbasa ng aking mga entry.
Sana sa paglipas ng mga araw, ay maraming bumisita sa aking BLOG. At sa
mga makakabasa ng aking mga entry, sana hindi nyo makalimutan ang mag-
comment......

Sunday, September 14, 2008

Ang Simula

........Hi sa inyong lahat!!!
Ngayong araw na 'to ang simula ng lahat.........