Sunday, October 5, 2008

BAKIT IKAW PA ANG MINAHAL KO?

Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Na may mahal ng iba at sa akin ay ayaw mo
Sana pagdating ng araw ay mahalin mo rin ako
At nang di masayang pag-ibig na inalay ko sayo.

Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Na kahit kaunti ay wala ako d'yan sa puso mo
Sana naman ay mahalin mo rin ako
Kahit pakunwari at hindi totoo.

Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Na kahit ipagtabuyan at ipagtulakan mo ako
Na kahit pinagtatawanan ako ng ibang tao
Naririto pa rin ako at naghhihintay sayo.

Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Na naging dahilan upang buhay ko ay gumulo.
At sa larahgan ng pag-ibig ay naging tanga ako
Bakit, bakit umibig ako sa isang tulad mo?


Ayos ba ang tula ko.........? Handog ko yan sa mga tao na marahil ay naging tanga o martir sa larangan ng PAG-IBIG........Kayo may kilala ba kayong tao na sobra sobra kung magmahal,,,,, yung para bang wala sa lugar..........O baka naman isa ka na sa mga taong yon?......